Donaire, kumpyansang taglay niyang muli ang kanyang ‘scary punch’

Naniniwala si ‘The Filipino Flash’ Nonito Donaire na taglay niyang muli ang kanyang lakas partikular ang ‘scary punch’ ngayong siya ay nagbabalik sa bantamweight class.

Lalaban ang boksingero kay WBA Super World bantwamweight Ryan Burnett para sa 118-lb division sa quarterfinals ng World Boxing Super Series bantamweight tournament.

Magaganap ang bakbakan ng dalawa sa Glasgow, Scotland sa Linggo.

Anya, kahit noong siya ay nasa 126-lb division pa ay kinatatakutan na ang kanyang lakas.

Gayunman, naniniwala siyang hindi dapat maliitin ang lakas ng 26-anyos na si Burnett.

Nakausap niya anya ito bago ang laban at iginiit na ito ay magalang sa kanya.

Huling lumaban si Donaire noong Abril kung saan natalo ito kay Carl Frampton para sa WBO interim featherweight title.

Read more...