Sa Manila North Cemetery, nagsulputan ang iba’t ibang uri ng tindahan, mula sa mga inumin at pagkain, hanggang sa mga damit at laruan at costumes para sa Halloween.
Ang mga pagkain na itinitinda sa loob ng sementeryo ay magkakaiba rin. Mayroong nagbebenta ng murang shawarma, mga shake, at mayroon ding mga fast food restaurants na nagbukas ng kanilang sariling stalls sa loob.
Mayroon namang nag-iikot na otoridad sa loob ng sementeryo upang sitahin at palabasin ang mga vendors na walang permit.
Samantala, mayroong nagbukas na tattoo shop sa loob ng Manila North Cemetery, habang mayroon namang isang nagtayo ng photobooth kung saan tema ang Halloween. Ang isang litrato dito ay nagkakahalaga ng P50.