M3.0 na lindol naitala sa Davao Oriental

Niyanig ng magnitude 3.0 na lindol ang bahagi ng Davao Occidental alas-12:40 madaling araw ng Huwebes.

Ayon sa Phivolcs, ang episentro ng lindol ay sa layong 22 kilometro Hilagang-Silangan ng bayan ng Mati.

May lalim ang pagyanig na 21 kilometro.

Tectonic ang dahilan nito at hindi naman nakapagtala ng aftershocks.

Wala ring inaasahang pinsala sa mga ari-arian.

Read more...