Pay rules ipinaalala ng DOLE para sa mga papasok sa November 18-19

daily wage workers
Inquirer file photo

Muling ipinaalala ng Department of labor and Employment (DOLE) ang pay rules na ipatutupad sa November 18-19 na idineklarang non-working holidays kaugnay sa Asia Pacific Economic Cooperation (APEC) summit sa Metro Manila.

Ipinaliwanag ni Labor Sec. Rosalinda Baldoz na ipatutupad ang “no work no pay policy” sa nasabing mga araw o kaya ay depende sa kasunduang nakapaloob sa Collective Bargaining Agreement (CBA).

Tatanggap naman ng dagdag na 30-percent ng kanilang sweldo ang mga magtatrabaho para sa unang walong oras at karagdagang 30-percent hourly rate kapag lumampas sa 8-hour shift ang trabaho ng isang manggagawa.

Para naman sa mga magtatrabaho kung sila ay day-off sa nasabing mga araw, 50-percent na dagdag sa sweldo para sa unang walong oras ng trabaho at 50-percent naman na hourly rate sa mga susunod na oras.

Nakapaloob din sa advisory na inilabas ni Baldoz na dapat ding sumunod sa nasabing pay rules ang mga may-ari ng mga pribadong paaralan kung papapasukin nila sa nasabing mga araw ang kanilang mga teaching at non-teaching personnel.

 

Read more...