Chile niyanig ng 6.8 magnitude na lindol

chile-earthquake
AP photo

Niyanig ng 6.8 magnitude ang malaking bahagi ng bansang Chile alas 4:30 ng hapon (Philippine time).

Sa inisyal na report ng U.S Geological Survey (USGS), naitala ang epicenter ng lindol 47 kilometers Timog-Silangan ng lungsod ng Ovelle.

Sinasabing tectonic ang pinagmulan ng lindol na may lalim na 36 kilometers.

Wala namang itinaas na tsunami warning ang Pacific Tsunami Center bagaman malakas ang nasabing pagyanig na nagpauga sa maraming gusali sa kapitolyo ng Chile na Santiago City.

Wala namang iniulat na nasaktan at namatay sa nasabing pagyanig habang nakaalerto naman ang mga tao sa lugar na pinangyarihan lindol dahil sa mga inaasahang aftershocks.

Magugunitang noong 2010 ay niyanig ng magnitude 8.8 na lindol ang malaking bahagi ng Chile na nagresulta sa pagkamatay ng 500 katao at pagkasira ng halos ay 300,000 na mga tahanan dahil sa tsunami.

 

Read more...