MMDA, handa sa 2018 Bar Examinations

All set na ang Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) para sa nalalapit na 2018 Bar Examinations sa buwan ng Nobyembre.

Ayon sa MMDA, aabot ng 64 na traffic enforcers ang ipakakalat sa bisinidad ng University of Santo Tomas para matiyak ang maayos na daloy ng trapiko.

Maghahanda rin ang MMDA ang apat na bangka, tatlong trak at dalawang ambulansya sa kasagsagan ng exam.

Magaganap ang bar exams para ngayong taon sa November 4, 11, 18 at 25.

Sinabi rin ng MMDA na walang gagawing road repair sa paligid ng naturang unibersidad sa mga nabanggit na petsa.

Read more...