Hirit na visa extension ni Sister Patricia Fox ibinasura ng DOJ

Inquirer file photo

Mayroon na lamang hanggang sa November 3 ang Australian missionary na si Sister Patricia Fox para lisanin ang bansa.

Ito ay makaraang ibasura ng Department of Justice ang kanyang apela para sa extension ng kanyang temporary visitor’s visa.

Nauna dito ay pinawalang-bisa ng Bureau of Immigration ang missionary visa ng nasabing madre.

Magugunitang naugnay si Sister Fox sa mga grupong kritikal sa pamahalaan kabilang na ang ilang samahan na front organization ng Communist Party of the Philippines.

Mahigpit na ipinagbabawal sa mga umiiral na batas sa bansa ang pakikisawsaw sa mga isyung pulitikal para sa mga dayuhan.

Itinanggi naman ni Sister Fox ang paratang sa pagsasabing bahagi ng kanyang missionary work ang pakikipag-ugnayan sa ilang mga grupo.

Si Sister Fox ay 27-taon nang misyonaryo sa Pilipinas.

Read more...