Sa anunsiyo ng Korte Suprema, kabuuang 8,701 na kandidato ang posibleng magbakasakaling makapasa sa naturang eksaminasyon.
Ayon sa SC, ito na ang pinakamataas na bilang ng mga bar exam takers kumpara sa mga nakalipas na taon.
Noong nakaraang taon, nakapagtala ng kabuuang 6,748 na law graduates ang kumuha ng exam at 1,724 sa mga ito ang nakapasa.
Gaganapin ang licensure exam sa November 4, 11, 18 at 25 sa University of Santo Tomas sa España, Maynila.
Magsisilbi namang bar exam committee chair ngayong taon si Associate Justice Mariano del Castillo.
MOST READ
LATEST STORIES