DBM naglaan ng P662-M na pondo sa mga biktima ng Bagyong Rosita

Inquirer file photo

Maglalabas ng Department of Budget and Management (DBM) ng kabuuang P662.5 Million para sa quick response fund (QRF) ng Department of Social Welfare and Development (DSWD).

Gagamitin ang nasabing pondo para sa mga biktima ng pananalasa ng Bagyong Rosita at iba pang kalamidad.

Sa kanilang advisory, sinabi ng DBM na ilalaan ang pondo sa disaster relief sa mga apektadong bahagi ng Northern Luzon.

Batay anila sa hiling ng DSWD, ang pondo ay ilalaan sa pagbili ng family food packs, mga isasagawang programa ng Disaster Risk Reduction Management (DRRM) at standby fund.

Ito na ang ikatlong beses na nagbigay ng pondo para sa QRF ng DSWD.

Ang QRF ay ginagamit para punan ang relief at rehabilitasyon sa oras ng kalamidad.

Read more...