P18-B rehab loan para sa MRT-3 lalagdaan na ng DOTr at JICA

Inquirer file photo

Lalagda ang Pilipinas at Japan ng isang multibillion peso loan para sa pagsasa-ayos ng Metro Rail Transit 3 (MRT3).

Sinabi ni Transportation Usec. TJ batan na gagawin ang lagdaan sa pagitan ng DOTr at Japan International Cooperation Agency (JICA) para sa P18 Billion sa susunod na linggo.

Laman ng loan agreement ang 0.1 percent per year na loan kasama ang repayment period na 28 taon ayon sa impormasyon na inilabas ng Ministry of Foreign Affairs ng Japan.

Inaasahan naman na aabutin ng 43 buwan ang rehabilitasyon at maintenance ng buong MRT 3 train system.

Kaugnay nito ay nagsagawa na ng assessment ang mga engineers ng Sumitomo-Mitsubihi Heavy Industries para sa nasabing proyekto.

Kabilang sa mga isasailalim sa rehabilistasyon ay ang radio system, CCTV system, signaling system, power supply system at public address system.

Gagawin rin base sa kasunduan ang mga sirang riles, escalators, elevators at iba pang depot equipment ng MRT-3.

Kaugnay sa nasabing proyekto ay humingi ng pang-unawa sa publiko si Batan dahil tiyak umanong makaka-abala sa mga pasahero ang gagawing rehabilitasyon ng MRT-3.

Read more...