Death toll sa bagyong Rosita umakyat na sa siyam

MPSDEO DPWH photo

Siyam na katao ang kumpirmadong nasawi, dahil sa pananalasa ng Bagyong Rosita.

Sa isang press conference, sinabi ni National Disaster Risk Reduction and Management Council o NDRRMC spokesperson Edgar Posadas na mula sa siyam na casualties, tatlo ay naitala sa Mountain Province; apat ay sa Ifugao; at tig-isa sa Kalinga at Abra.

Ang death toll ay mula sa ulat ng Department of Interior and Local Government o DILG.

Sinabi ni Posadas na nasa tatlo naman ang nawawala, base pa rin sa listahan ng DILG.

Kinumpirma naman ni Posadas na nasa dalawampu’t siyam na indibidwal ang na-trap sa building ng DPWH sa Mountain Province.

May mga rescue team aniya mula sa ibang rehiyon ang dineploy na sa Mountain Province, upang tumulong sa rescue operations.

Samantala, nasa 11,878 na pamilya naman mula sa 478 barangays sa Regions 1, 2, 3 at CAR ang apektado ng Bagyong Rosita.

Pagtitiyak ni Posadas, ang DSWD ay may sapat na food packs at pondo para sa patulong sa mga nasalanta ng bagyo, lalo na ang mga nasa evacuation centers pa.

Read more...