Polomolok, South Cotabato niyanig ng lindol

Niyanig ng magnitude 3.4 na lindol ang bayan ng Polomolok sa lalawigan ng South Cotabato.

Ayon sa Phivolcs, naitala ang pagyanig sa 12 kilometers Southwest ng Polomolok, 7:27 umaga ng Miyerkules (October
31).

May lalim na 4 kilometers ang pagyanig at tectonic ang origin.

Naitala ang intensity III sa Polomolok at Tupi, South Cotabato at intensity II naman sa General Santos City

Nakapagtala rin ng instrumental intensity III sa Tupi, South Cotabato, intensity II sa General Santos City at intensity I sa Alabel, Sarangani.

Wala namang naitalang pagkasira ng mag ari-arian at aftershocks.

Read more...