3 security guard arestado nang maaktuhan sa pot session sa QC

Arestado ang tatlong security guard matapos mahuling nagpo-pot session sa loob ng kanilang barracks sa Quezon City.

Nadatnan ng mga otoridad ang tatlong suspek sa loob ng kanilang barracks sa Brgy. Socorro.

Aminado naman ang tatlo na gumagamit sila ng ipinagbabawal na gamot.

Gayunman, naset up lamang umano sila ng mga pulis nang isagawa ang pag-aresto.

Bago kasi dumating nag mga otoridad, dalawang babae umano na nakasama nila sa bar ang sumama sa kanila sa barracks at saka naglabas ng shabu.

Doon naman biglang dumating ang mga otoridad at saka sila hinuli.

Read more...