BDO binalaan ang mga kliyente sa pekeng e-mail na nagpapa-verify ng account

Inalerto ng Banco De Oro ang kanilang mga kliyente sa pekeng emails na nagpapa-verify ng account.

Ayon sa BDO, ang email ay ipinadadala sa mga kliyente na mayroong “verify now” link.

Sa sandaling iclick ito ay ma-aaccess ng mga nasa likod ng pekeng email ang personal data ng kliyente.

Payo ng BDO, sa sandaling makatanggap ng nasabing email ay agad itong i-forward sa ReportPhish@bdo.com.ph at saka burahin.

Mas mabuti rin kung maipopost ito sa social media account para mas maabisuhan ang marami.

Read more...