2 Abu Sayyaf patay, 2 pa sugatan sa engkwentro sa Sulu

Patay ang dalawang hinihinalang Abu Sayyaf makaraang maka-engkwentro ang mga sundalo sa Panglima Estino, Sulu.

Nangyari ang engkwentro Martes (Oct. 30) ng umaga sa Barangay Lihbog Kabaw.

Naka-engkwentro ng mga tauhan ng 61st, 62nd at 64th Marine Companies ang nasa 100 miyembro ng Abu Sayaff na tagasunod ni Radullan Sahiron, Idang Susukan at Almujer Yadah.

Maliban sa dalawang Abu Sayyaf na nasawi mayroon ding dalawa pang nasugatan.

Wala namang sugatan sa panig ng mga sundalo.

Nakuha mula sa mga bandido ang isang M653 at isang M14 rifle.

Ang mga nasugatan ay dinala sa Kuta Heneral Teodulfo Bautista Station Hospital.

Read more...