Bagyong Rosita humina pa halos hindi kumikilos sa bahagi ng West Philippine Sea

Lalo pang humina ang bagyong Rosita at halos hindi gumagalaw sa bahagi ng West Philippine Sea.

Huling namataan ang bagyo sa 210 kilometers Northwest ng Dagupan City sa Pangasinan.

Taglay nito ang lakas ng hanging aabot sa 100 kilometers bawat oras at pagbugsong aabot sa 120 kilometers bawat oras.

Inalis na ng PAGASA ang mga itinaas na public storm warning signals sa mga lugar na naapektuhan ng bagyo.

Sa kabila nito, sinabi ng PAGASA na makararanas pa rin ng mahina hanggang katamtamang pag-ulan ang Northern at Central Luzon dulot ng bagyo.

Ngayong araw ay inaasahang lalabas na ng Philippine Area of Responsibility ang bagyong Rosita.

Read more...