LOOK: Schedule ng operasyon ng LRT 1 at 2 at MRT 3 ngayong Undas

Nag-anunsyo na ng kanilang schedule ng operasyon ang Metro Rail Transit – 3 (MRT-3) at Light Rail Transit Lines 1 at 2 (LRT 1 at LRT 2) para sa Undas.

Ayon sa MRT ngayong Huwebes at Biyernes ay bukas ang kanilang linya mula alas-5:30 hanggang alas-10:30 ng gabi kung saan idedeploy ang 15 tren.

Ang last trip ng tren mula sa North Avenue Station o pa-Southbound ay alas-9:10 ng gabi.

Ang last trip naman ng tren mula sa Taft Avenue Station o pa-Northbound ay alas-9:50 ng gabi.

Samantala, ang operasyon naman sa Sabado at Linggo ay katulad lamang ng sa operasyon sa November 1 at 2 ngunit 12 tren lamang ang idedeploy.

Sinabi naman ng LRT 1 at 2 na ang kanilang operasyon ngayong Undas ay nakabatay sa kanilang ‘regular holiday and weekend schedules’.

Ang unang biyahe mula Roosevelt ngayong Undas at sa weekends ay alas-4:30 ng umaga habang ang huling biyahe ay alas-9:45 ng gabi.

Ang huling biyahe naman mula Baclaran ay alas-9:30 ng gabi.

Sa LRT 2 naman, ang unang biyahe mula sa Recto ay alas-4:30 ng umaga at ang huli ay alas-10:30 ng gabi.

Mula sa Santolan Station ang unang biyahe ay alas-4:30 din ng umaga at ang huli ay alas-10:00 naman ng gabi.

Read more...