Trust rating ni VP Robredo bahagyang bumaba

Bahagyang bumaba ang trust rating ni Vice President Leni Robredo batay sa bagong Social Weather Stations (SWS) survey.

Ayon sa SWS survey na ginawa mula September 15 hanggang 23, mula 40% ay bumaba sa 38% ang trust rating ni Robredo.

Sinabi ng 59% ng mga Pilipino na mayroong silang “much trust” sa pangalawang pangulo habang 21% ang mayroong “little trust” at 21% ang undecided.

Dahil dito ay bumaba ng 2 puntos ang trust rating ni Robredo mula sa good o +40 noong hunyo.

Sa 1,500 respondents, 600 ang mula sa balance Luzon at tig-300 sa Metro Manila, Visayas, at Mindanao.

Read more...