House Deputy Speaker Arbison iginiit na ang constitutionality ng BOL

Nanindigan si House Deputy Speaker Munir Arbison sa constitutionality ng Bangsamoro Organic Law (BOL) na ngayon ay nahaharap sa petition for certiorari and prohibition sa Korte Suprema.

Ayon kay Arbison, dumaan sa masusing pag-aaral at debate sa pagitan ng Senado at Kamara ang BOL bago pa man ito naipasa at tuluyang naging batas.

Una rito, hiniling ng Probinsya ng Sulu, sa pamamagitan ni Governor Abdusakur Tan II, sa Korte Suprema na i-review ang legality at constitutionality ng BOL dahil nagkaroon daw ng grave abuse of discrestion amounting to lack or excess of jurisdiction ang Kongreso nang ipasa nito ang BOL, na nilagdaan naman ni Pangulong Rodrigo Duterte para maging batas nitong Hulyo ng taong kasalukuyan.

Pero ayon kay Arbison, “blatantly misguided, erroneus nd misleading” ang petisyon na inihain ni Tan sa Kataas-taasang Hukuman.

Kung tutuusin, suportado nga aniya ng mga lider sa iba’t ibang lokal na pamahalaan sa mga munisipalidad sa Sulu ang peace efforts ng pamahalaan kagaya na lamang nang paglalagda sa BOL.

Naniniwala ito na ginagamit lamang ngayon ni Tan ang kanyang posisyon para sa pansariling interes.

Read more...