Nai-turn over na sa kustodiya ng Department of Justice (DOJ) si dating Bureau of Customs Intelligence Officer Jimmy Guban.
Ayon kay Sen. Richard Gordon, chairman ng Senate Blue Ribbon Committee, inilipat na si Guban sa DOJ dahil delikado na ito sa Senado.
Nauna nang sinabi ng senador na dapat tiyakin ang kaligtasan ng dating Customs official.
Mayroon na rin anya silang kasunduan ng DOJ para sa pagsasailalim kay Guban sa Witness Protection Program (WPP).
Pinatawan ng contemp citation ng Senado si Guban dahil sa umano’y hindi pagsasabi ng katotohanan sa imbestigasyon ng Senado kaugnay sa sinasabing P11 Billion shabu smuggling sa BOC.
Sa pagdinig, inakusuhan ni Guban si direktang inakusahan ni Guban si dating Customs Intelligence & Investigation Services Director Jeoffrey Tacio na sangkot sa drug smuggling.
Gayunman, sinabi ni Tacio na gumaganti lamang si Guban dahil sa pagsasagawa nila ng imbestigasyon tungkol sa pagkakasangkot ni Guban sa sindikato sa Customs.