ALAMIN: Schedule ng mga bangko ngayong Undas holidays

Karamihan sa mga bangko ay sarado mula bukas, Huwebes, November 1 at sa Biyernes, November 2.

Kapwa idineklara ng Palasyo ng Malacañang ang naturang mga petsa bilang special non-working holidays para sa taong ito.

Sa November 1, lahat ng branches ng BDO Unibank Inc. ay sarado habang bukas ang ilang branches sa mga mall sa November 2.

Lahat naman ng branches ng Bank of the Philippine Islands (BPI) ay sarado mula November 1 hanggang 2.

Sa November 1, sarado ang lahat ng branches ng Security Bank Corp. habang bukas ang mga branch sa NAIA sa November 2.

Bagaman sarado ang mga bangko ay operational naman ang mga automated teller machines (ATMs).

Hindi pa nagaanunsyo ng banking schedules ang iba pang bangko.

Read more...