Todo-kayod na ngayon ang mga tauhan ng Isabela Electric Cooperative upang maibalik ang supply ng kuryente sa lalawigan.
Inabutan ng Radyo Inquirer sa daan ang mga tauhan ng ISELCO na nag aayos ng mga nasirang kawad at poste ng kuryente.
Ayon kay Isabela Governor Faustino Bojie Dy, ngayong araw inaasahang magkakaroon na muli ng kuryente sa ilang mga lugar.
Sinabi ng punong lalawigan na nakausap niya ang pamunuan ng ISELCO at sinabihan siya na pipiliting muling mapailawan ang lalawigan bukas.
Hapon pa lamang ng Lunes nagsimula nang mawalan ng supply ng kuryente sa lalawigan dahil sa bagyong Rosita.
READ NEXT
PCOO Asec. Ana Marie Banaag nagpahayag ng kalungkutan sa trahedya sa Natonin, Mountain Province
MOST READ
LATEST STORIES