11 nasawi sa pananalasa ng bagyo sa Italy

AP

Nasa 11 katao ang nasawi matapos dalawang araw bayuhin ng bagyo ang Italy.

Ayon sa mga otoridad, karamihan sa mga namatay ay dahil nabagsakan ng puno ang kanilang sasakyan, ngunit mayroong isang babae na nalibing nang buhay sa naganap na landslide sa Trento, sa hilagang bahagi ng bansa.

Mayroon ding isang lalaki na nahulog sa mga bato habang nagwi-windsurf sa Emilia-Romagna.

Tumaas din ang tubig sa Venice, dahilan upang bahain ang maraming lugar sa lungsod.

Nasira ang mosaic floor sa loob ng St. Mark’s Basilica dahil sa baha, na umabot sa 35 pulgada.

Dahil na rin sa lakas ng ulan ay gumuho ang lupa sa ilang lugar, na rason sa pansamantalang pagsasara ng Brenner highway na nagdudugtong ng Italy sa Austria.

Marami ring mga pumuno ang bumuwal dahil sa lakas ng hangin, kaya naman nasa 6,000 mga bumbero na ang ipinakalat upang tanggalin ang mga nakahambalang na debris sa mga kalye sa bansa.

Read more...