Jessica Soho at Willie Revillame gustong makatrabaho ni Kris Aquino

Kris Aquino website

Bukas ang Queen of all Media na si Kris Aquino na bumalik sa telebisyon kung makakatrabaho niya ang dalawang personalidad ng GMA.

Sa isang life update na ibinahagi ni Kris sa kanyang Youtube channel, inihayag nito na sina Jessica Soho at Willie Revillame ang kanyang gustong makatrabaho.

Paliwanag ni Kris, sina Jessica Soho at Willie Revillame kasi ang mga taong hindi pa niya nakakatrabaho sa kanyang karera sa telebisyon.

Ayon pa kay Kris, na-miss niyang magtrabaho sa TV ngunit masyadong mahabang oras ang inilalaan para sa TV production at hindi niya ito maibibigay sa ngayon lalo na’t mayroong siyang sakit.

Ngunit kung mabibigyan siyang makatrabaho si Jessica o si Willie ay makikiusap siya sa kanyang doktor sa Singapore na bigyan siya ng health certificate.

Aminado naman si Kris na limitado siya ngayon sa pagtatrabaho partikular sa haba ng oras at araw ng trabaho at lokasyon kung saan ito gagawin.

Read more...