Ayon kay Presidential Spokesman Salvador Panelo, hindi naman itatalaga ni Pangulong Rodrigo Duterte ang mga sundalo bilang mga regular na empleyado ng BOC.
Kambyo pa ni Panelo, ang mga kawani pa rin ng mga BOC ang mag-aasikaso sa mga trabaho lalo na sa mga paperworks o bayarin sa usapin ng buwis.
Ipinaliwanag ng kalihim na iba kasi ang dating kung mayroong presensya ng mga sundalo sa mga kawani ng BOC na gumagawa ng mga ilegal na aktibidad.
Nanindigan pa si Panelo na walang nilalabag na anumang batas ang pangulo dahil may nagaganap na lawlessness sa BOC kung kaya tinawag ang presensiya ng AFP.
Ayon sa opisyal, kapag sinabing lawlessness ay hindi nangangahulugan na sa bayolenteng pamamaraan lamang kundi maaring sa pamamagitan ng korupsyon gaya nang nangyayari ngayon sa hayan ng ilang opisyal ng Customs.
Sa ngayon, sinabi ni Panelo na maiging hintayin ng mga kawani ng BOC ang ipalalabas na memorandum order ni incoming Customs Commisioner Rel Leonardo Guerrero para sa kanilang status sa trabaho.
Habang wala ang memorandum ay sinabi ng tagapagsalita ng pangulo na maiging manatili ang mga kawani sa kanilang pwesto.