Ang nasabing mosyon ay inihain ng isang commuter at inihirit sa LTFRB na huwag na lang munang ipatupad ang utos nito sa pagtataas ng pamasahe sa jeep at bus dahil dagdag pahirap ito sa publiko.
Ayon sa desisyon ng LTFRB, walang naipresentang bagong isyu sa mosyon ni Rodolfo Javellana para paburan ang suspensyon ng kautusan.
Sinabi ng LTFRB na noong isinagawa ang pagdinig para sa hirit na dagdag pamasahe ay well represented ang commuter sector at nadinig na ang kanilang panig.
Magugunitang inaprubahan ng LTFRB ang dagdag na pamasahe sa jeep at mula sa susunod na buwan ay magiging P10 na ang minimum na pamashe,
Inaprubahan din ang dagdag sa minimum na pamasahe sa mga pampasaherong bus.