11,000 inilikas sa Isabela dahil sa bagyong Rosita

Kuha ni Erwin Aguilon

Mahigit labingisang libong residente sa Isabela ang inilikas dahil sa bagyong Rosita.

Ayon kay Isabela Gov. Bojie Dy, alas 5:00 ng umaga ng Martes, umabot na sa 11,559 ang bilang ng mga inilikas na indibidwal.

Nagpakalat na rin ng nasa 6,900 na relief packs sa mga bayan na mayroong mga evacuees na susundan pa ng 3,400 na relief packs.

Matapos tumama sa kalupaan ng Dinapigue, nakaranas na ng malakas na pagbayo ng hangin ang lalawigan.

May mga natumbahan na ring puno sa kalsada kaya agad dineploy ang clearing team ng pamahalaang panlalawigan para agad malinis ang mga naghambalang na puno.

Read more...