Consular service ng DFA sa San Fernando City, La Union at Santiago, Isabela, suspendido

Suspendido muna ang consular service ng Department of Foreign Affairs (DFA) sa La Union.

Sa abiso ng DFA, mula ngayong araw, Oct. 30 hanggang bukas Oct. 31, suspendido ang operasyon ng kanilang Consular Office sa San Fernando City, La Union dahil sa bagyong Rosita.

Ang mga aplikante na mayroong kumpirmadong appointment para sa nabanggit na mga petsa ay ia-accommodate n alamang sa DFA La Union sa Nov. 5.

Una rito inaunsyo din ng DFA na mula kahapon ay suspendido rin ang serbisyo nila sa Santiago, Isabela.

Ito ay dahil pa rin sa bagyong Rosita.

Habang sa buong bansa, sinabi ng DFA na suspendido ang kanilang consular services sa November 1, 2 at 3 dahil sa paggunita ng Undas.

 

Read more...