Mga empleyado ng PCOO binigyang parangal

Pinasalamatan at pinarangalan ni Presidential Communications Secretary Martin Andanar ang mga empleyado ng ahensiya sa kanilang pagdiriwang ng 8th anniversary.

Ayon kay Andanar, deserving sa pasasalamat at pagkilala sa pamamagitan ng maliit na token ang mga magreretiro at patuloy na nagsisilbi sa ahensya.

Kinumpirma ni Andanar na wala pang development sa planong pagbabalik ng PCOO sa Office of the Press Secretary habang patuloy ang paghahanda ng mga evaluators ng Executive Order sa papalapit na Asia-Pacific Economic Forum summit at iba pang issues sa bansa.

Kaugnay nito ay tiniyak ni Andanar na patuloy ang pagtatrabaho niya para sa iba pang planong development sa PCOO habang patuloy ang maayos na ugnayan sa mga media organizations hindi lamang sa Metro Manila kundi sa iba’t ibang bahagi ng bansa.

Kinumpirma din ni Andanar na dapat ngayon pa lang ay ginagawa na ang mga ground work para magkaroon ng magandang transition ang PCOO oras na matuloy na itong ibalik sa OPS.

Muling ding ibinahagi ni Andanar ang kahalagahan ng pagkakaroon ng press attache sa lahat ng partner na bansa ng Pilipinas na una na niyang ipinanukala noong nagsisimula pa lamang ang Duterte administration.

Read more...