Pasok sa lahat ng korte sa bansa bukas, Oct. 31 half-day lang

Half-day lang ang pasok sa lahat ng korte sa buong bansa bukas, araw ng Miyerkules, October 31.

Ito ay base sa abiso ng public information office (PIO) ng Korte Suprema.

Ayon sa SC, ito ay para mabigyang pagkakataon ang lahat ng court personnel na makabiyahe para sa paggunita ng Undas.

Dahil dito, inabisuhan ng SC ang lahat ng may transaksyon sa mga korte bukas na kalahating araw lamang ang magiging operasyon ng mga hukuman.

Read more...