Apat arestado, menor de edad nasagip sa anti-drug operation sa Caloocan

NPD Photo

Arestado ang apat na katao habang isang minor naman ang narescue matapos maaktuhan ng mga pulis na nagpot session sa Julian Felipe, Sangandaan, Brgy. 8, Caloocan City.

Kinilala ang mga suspek na sina Domingo Villarin alyas Toto, 37 anyos; Antonio De Luna, 25 anyos; Randy Militants, 43 anyos, at Ever Del leon, 38 taong gulang.

Habang nailigtas naman ang isang kinse anyos na lalaki.

Sa inisyal na imbestigasyon nagsagawa ng anti-drug operation ang mga pulis laban sa dalawang hinihinalang pusher na sina Villarin at De Luna.

Nang magpositibo agad nila hinuli ang dalawa habang ang iba ay dinampot din ng mga pulis matapos maaktuhang bumabatak ng bawal na gamot.

Nakuha sa mga suspek ang ilang gramo ng shabu at drug pharaphernalia.

Hawak na ngayon ng otoridad ang apat at nakatakdang sampahan ng kasong paglabag sa RA 9165 habang diinala naman sa pangangalaga ng DSWD ang menor de edad.

Read more...