Sa abiso ng Manila International Airport Autority (MIAA) marami nang international at domestic flights sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) ang kanselado ang biyahe ngayong araw ng Martes, Oct. 30.
Kabilang sa kinansela ang mga sumusunod na flights:
• CA 180 MANILA – PEKING, CHINA ng Air China
• MF282 MANILA – XIAMEN, CHINA ng Xiamen Air
• CZ 3078 MANILA – GUANGZHOU, CHINA ng China Southern Airlines
Sa domestic fligts naman, kanselado na ang sumusunod na biyahe ng Cebu Pacific:
• 5J 504/505 Manila-Tuguegarao-Manila
• 5J 506/507 Manila-Tuguegarao-Manila
• 5J 196/197 Manila-Cauayan-Manila
At flights DG 6009/6010 Manila-Basco-Manila ng CebGo.
Ang Philippine Airlines, kinansela na rin ang sumusunod nilang biyahe:
• PR 2196 Manila – Laoag
• PR 2197 Laoag – Manila
• PR 2688 Clark – Basco
• PR 2689 Basco – Clark
• PR 2612 Clark – Cauayan
• PR 2613 Cauayan – Clark
Kanselado din ang mga biyahe ng Skyjet na:
• M8 816/817 Manila-Basco-Manila
• M8 711/712 Manila-Busuanga-Manila
Ayon sa MIAA, ang mga pasaherong apektado ay kailangang makipag-ugnayan sa airline company para sa rebooking o refund ng pamasahe.
Ang iba pang pasahero na mayroon biyahe ngayong araw ay pinayuhan din na tumawag muna sa terminal o sa airline company para malaman ang status ng kanilang flight.