Bumilis pa ang kilos ng bagyong Rosita at lumakas ang pagbugso nito base sa 8am weather bulletin ng PAGASA
Huling namataan ang bagyo sa bisinidad ng Echague, Isabela.
Taglay nito ang lakas ng hanging aabot sa 140 kilometers bawat oras malapit sa gitna at pagbugsong aabot sa 230 kilometers bawat oras.
Bumilis pa ang bagyo at kumikilos na ng 25 kilometers bawat oras sa direksyong pa-kanluran.
Sa ngayon nakataas ang public storm warnig signals sa sumusunod na lugar:
SIGNAL NUMBER 3:
Isabela
Quirino
Northern Aurora
Nueva Vizcaya
Ifugao
Benguet
La Union
Ilocos Sur
Mountain Province
Pangasinan
SIGNAL #2
Cagayan
Ilocos Norte
Apayao
Abra
Kalinga
Tarlac
Nueva Ecija
Northern Quezon kasama ang Polillo Island
Southern Aurora
Zambales
Pampanga
Bulacan
SIGNAL NUMBER #1
Babuyan group of Islands
Rizal
Metro Manila
Laguna
Batangas
Bataan
Cavite
Inalis naman na ng PAGASA ang storm warning signal number 1 na umiiral sa Batanes.