PUBLIC SERVICE: Scheduled power interruption ng Meralco sa Maynila, Rizal at Batangas

Mawawalan ng suplay ng kuryente mula alas 8:30 ng umaga hanggang alas 2:30 ng hapon mamaya ang bahagi ng Quaipo sa Maynila.

Apektado ng power interruption ang bahagi ng Recto Avenue mula sa Loyola St. hanggang sa San Sebastian Street.

Sa Malate Maynila naman, alas 9:00 ng umaga hanggang alas 2:00 ng hapon ang power interruption at maaapektuhan nito ang bahagi ng Don Pedro Street mula Arellano Avenue hanggang Bautista Street.

Samantala, sa lalawigan ng Rizal, mayroon ding nakatakdang power interruption sa bayan ng San Mateo.

Alas 10:00 ng umaga hanggang alas 3:00 ng hapon ay mawawalan ng kuryente ang bahagi ng Barangay Gulod Malaya, San Mateo.

Sa Batangas City naman, alas 11:00 ng gabi mamaya hanggang alas 4:00 ng umaga bukas ang power interruption sa bahagi ng mga Barangay Talahib, Talahib Pandayan, Kumba, Santo Domingo, Conde Itaas, Talumpok Silangan, Talumpok Kanluran, Conde Labak, Dumuclay at Libjo.

Read more...