Rico J. Puno pumanaw na sa edad na 65

Facebook Photo

(UPDATE) Pumanaw na sa edad na 65 ang beteranong singer na si Rico J. Puno.

Ang pagpanaw ni Puno ay kinumpirma sa post sa social media ng kaniyang sister in law at concert producer na si Anna Puno.

Cardiac arrest ang ikinasawi ni Puno ayon sa kaniyang manager na si Norma Japitana.

Kamakailan, ipinagdiwang pa ni Rico J. Puno ang kaniyang ika-40 taon sa show business.

Dinala sa St. Lukes’ Hosptial ang singer noong Linggo para lamang sana sa regular check up pero hindi na ito pinalabas ng pagamutan hanggang sa doon na nga binawian ng buhay.

Marami naman ang nagpahatid ng pakikiramay at dalamhati sa pagpanaw ni Rijo J.

Sa post ni Zsa Zsa Padilla, sinabi nitong nagulat siya nang mabalitaan ang pagpanaw ng kapwa singer.

Si Rico J. ay aalalahanin aniya sa magagandang awitin nito at sa kakaibang pamamaraan ng pag-interpret nito sa kanta.

Maging ang singer na si Jessa Zaragosa ay nagpost na rin sa twitter ng pakikiramay sa pagpanaw ni Rico J. Puno.

Read more...