Ayon sa PAGASA, huling namataan ang bagyo sa bisinidad ng Dinapigue.
Taglay nito ang lakas ng hanging aabot sa 150 kilometers bawat oras at pagbugsong aabot sa 210 kilometers bawat oras.
Kumikilos ang bagyo sa bilis na 20 kilometers bawat oras sa direksyong pa-kanluran.
Nakataas ang naman ang public storm warnings sa mga sumusunod na lugar:
SIGNAL NUMBER 3:
Isabela
Quirino
Northern Aurora
Nueva Vizcaya
Ifugao
Benguet
La Union
Ilocos Sur
Mountain Province
Pangasinan
SIGNAL NUMBER 2:
Cagayan
Ilocos Norte
Apayao
Abra
Kalinga
Tarlac
Nueva Ecija
Northern Quezon including Polillo Island
Southern Aurora
Zambales
Pampanga
Bulacan
SIGNAL NUMBER 1:
Batanes
Babuyan group of Islands
Rizal
Metro Manila
Laguna
Batangas
Bataan
Cavite
Inalis naman na ng PAGASA ang umiiral na signal number 1 sa Camarines Norte at Southern Quezon.
Ayon sa PAGASA, ang bagyong Rosita ay babaybay sa Isabela, Nueva Vizcaya, Benguet at sa La Union ngayong umaga.
Nagbabala din ang PAGASA ng storm surge ng hanggang 3 metro sa mga baybayin ng Isabela, Cagayan, Aurora, Ilocos Sur, Ilocos Norte, La Union at Pangasinan.
Ngayong hapon inaasahang lalabas na ito ng landmass at tuluyang lalabas ng bansa bukas ng gabi.