Tatlong magkakasunod na pagyanig naitala sa Hinatuan, Surigao del Sur

Tatlong magkakasunod na lindol ang naitala sa Hinatuan, Surigao del Sur, ngayong Martes (Oct. 30) ng umaga.

Unang naitala ang magnitude 3.2 na lindol ang bayan ng Hinatuan alas 3:29 ng umaga.

Ang epicenter nito ay naitala ngPphivolcs sa 54 kilometers northeast ng Hinatuan at may lalim na 7 kilometers.

Ang ikalawang lindol naman sa Hinatuan pa rin ay naitala alas 5:36 umaga at may magnitude na 3.4.

Naitala naman ang ikalawang pagyanig sa 58 kilometers northeast at may lalim na 3 kilometers.

Samantala, alas 6:08 ng umaga kanina nang maitala ang ikatlong pagyanig sa Hinatuan.

Ayon sa Phivolcs, ang epicenter ng magnitude 3.1 na lindol ay sa 68 kilometers south east ng Hinatuan at may lalim na 49 kilometers.

Maliban sa nasabing tatlong lindol may mga mahihinang pagyanig pa na naitala sa Hinatuan na ang magnitude ay nasa 2.0 at 2.9.

Wala namang naitalang pagkasira ng mga ari-arian, intensities at aftershocks sa tatlong magkakasunod na lindol.

Read more...