Lalaki natagpuang patay sa loob ng motel sa Maynila

Wala pang pagkakakilanlan ang lalaking natagpuang patay sa loob ng kanyang inupahang kwarto sa isang motel sa Sta. Cruz, Maynila.

Ayon kay Chief Inspector Romnel Anicete ng Manila Police District (MPD) Homicide Section, ang mga kawani ng motel ang unang nakakita sa walang buhay at nakahandusay na katawan ng lalaki.

Agad itong itinawag sa mga otoridad na silang nagsagawa ng pagproseso sa lugar.

Ani Anicete, mayroong pasa sa pisngi at dugo sa ilong ang biktima.

Hindi nila mabatid ang pagkakakilanlan nito dahil hindi makita sa kwarto ang kanyang wallet o anumang identification.

Patuloy ang imbestigasyon ng pulisya tungkol sa insidente, partikular kung mayroon bang foul play sa pagkamatay ng lalaki.

Read more...