Kasong neglect of duty ang kakaharapin ng mga mayor at iba pang local governments na wala sa kanilang lugar habang humahagupit ang bagyong Rosita.
Ayon kay Presidential Spokesperson Salvador Panelo, tiyak na may kalalagyan ang mga opisyal na aniya’y missing in action sa oras ng kalamidad.
Matatandaang 16 na mga alkalde ang ipinatawag at pinagpaliwanag ng Department of the Interior and Local Government (DILG) dahil wala sa kanilang lugar habang nanalasa ang bagyong Ompong noong Setyembre.
Ayon kay Panelo, mismong si Pangulong Rodrigo Duterte ang nag-utos noon sa DILG na sampahan ng kasong administratibo ang mga lokal na opisyal na wala sa kani-kanilang lugar habang nanalasa ang bagyong Ompong.
MOST READ
LATEST STORIES