Isa na namang Pinoy talent ang tatapak sa stage ng ‘The Ellen Show’ at ito ay sa katauhan ni ‘Pilipinas Got Talent’ Season 2 grand winner, Marcelito Pomoy.
Sa kanyang personal na Instagram account ay ibinahagi ni Marcelito ang kanyang litrato sa labas ng artist entrance ng talk show ni Ellen Degeneres.
Habang sa latest Instagram post naman ng TV host ay hindi nito napigilang magulat at matuwa sa talento ni Marcelito sa pagkanta.
Sa teaser video ay mapapanood ang performance ni Marcelito habang inaawit ang “The Prayer.”
Matatandaang nanalo ang singer sa PGT matapos ipamalas ang kanyang kakayahang kumanta bilang tenor at soprano.
Bukod kay Marcelito, na-guest na ni Ellen ang iba pang mga Filipino talents kagaya nina Arnel Pineda, Rhap Salazar, AC Bonifacio, at marami pang iba.