Japan naglunsad ng satellite na magbabantay sa greenhouse gases

Japan Aerospace Exploration Agency

Inilunsad na ng Japan Aerospace Exploration Agency (JAXA) ang kauna-unahang satellite na magmomonitor sa lagay ng greenhouse gases sa buong mundo.

Lunes ng hapon nang paliparin ng JAXA ang H-IIA rocket sakay ang GOSAT-2 (greenhouse gases observing satellite-2) satellite.

Makalipas ang 16 na minuto ay nakarating na sa orbit ang naturan satellite.

Layon ng GOSAT-2 na binigyan din ng nickname na Ibuki-2 ang kumalap ng datos tungkol sa carbon dioxide emission ng iba’t ibang mga bansa, batay na rin sa Paris climate accord.

Bukod sa carbon dioxide ay imomonitor din ng Ibuki-2 ang iba pang greenhouse gasses tulad ng methane.

Kasabay nito ay sakay din ng H-IIA rocket ng Japan ang KhalifaSat na siyang kauna-unahang satellite na binuo ng mga engineers ng Mohammed bin Rashid Space Centre sa United Arab Emirates.

Read more...