Nabigo ang Pilipinong si Randy Petalcorin na masungkit ang IBF light flyweight belt title.
Ito ay matapos siyang patumbahin ng Nicaraguan boxer na si Felix Alvarado sa kanilang naging tapatan kahapon sa Midas Hotel and Casino sa Pasay City.
Tinapos ng referee ang laban sa ikapitong round malakipas ang dalawang minuto at apat na segundo.
Bago ito at tatlong beses napabagsak ni Alvarado ang Pinoy boxer.
Ayon sa bagong IBF light flyweight champion, masaya siya sa kanyang pagkapanalo.
Aminado ito na magaling na boksingero si Petalcorin kaya naman naging game plan niya ang ipitin ito sa lubid.
Ito na ang ika-16 na sunod na panalo ni Alvarado na mayroong record na 34 wins, 2 losses, at 30 knockout.
Habang si Petalcorin naman ay mayroong 29 wins, 3 losses, 1 draw, at 22 knockout.