Inihahanda na ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) ang nasa P1.4B disaster fund bilang paghahanda sa pananalasa ng bagyong Rosita.
Ayon kay DSWD Secretary Rolando Bautista, minomonitor ng kanilang mga field offices ang mga lugar na dadaanan ng bagyo at handa ang mga ito na umayuda sa mga lokal na pamahalaan na maapektuhan.
Sa ngayon, mula sa nabanggit na halaga, P465,743,481.71 ang standby fund sa DSWD-Central Office (CO) at field offices. Habang P411,020,429.10 ang inilaan para sa quick response fund ng CO.
Mayroon na ring hawak na kabuuang 371,763 family food packs ang DSWD na nagkakahalaga ng P135,717,678.32.
Samantala, P803,803,144.45 food at nonfood items naman ang nakaantabay na rin.
MOST READ
LATEST STORIES