Nagbabala ang PAGASA na hindi ligtas ang bumyahe sa mga lugar kung saan nakataas ang tropical cyclone warning signal number 3 at 2.
Partikular na binanggit ng weather bureua ang mga sumusunod na lalawigan:
– TCWS No. 3
• Isabela
• Quirino
• Northern Aurora
• Nueva Vizcaya
• Ifugao
• Benguet
• La Union
• Ilocos Sur
• Mountain Province
• Pangasinan
– TCWS No. 2
• Cagayan
• Ilocos Norte
• Apayao
• Abra
• Kalinga
• Tarlac
• Nueva Ecija
• Northern Quezon kabilang ang Polillo Island
• Southern Aurora
• Zambales
• Pampanga
• Bulacan
Samantala, nakataas naman ang signal number 1 sa:
• Southern Quezon
• Batanes at Babuyan group of Islands
Rizal
• buong Metro Manila
• Laguna
• Batangas
• Bataan
• Cavite
• Camarines Norte
Sa 11PM storm update ng PAGASA, huling namataan ang sama ng panahon sa layong 190 kilometro silangan, hilagang silangan ng Casiguran, Aurora.
Napanatili ng bagyong Rosita ang taglay nitong lakas ng hangin na 150 kilometro bawat oras malapit sagitna na may pagbugsong aabot sa 185 kilometro bawat oras.
Kumikilos ito sa bilis na 20 kilometro bawat oras sa direksyong kanluran.
Dahil dito ay asahan na ang katamtaman hanggang sa malakas na pag-uulan sa Hilaga at Gitnang Luzon simula ngayong hatinggabi.
Paalala ng weather bueau, hindi ligtas na maglayag ang mga mangingisda at maliliit na sasakyang pandagat sa lahat ng dagat na sakop ng mga lugar na mayroong TCSW, maging sa silangan at kanlurang seaboard ng Southern Luzon, at eastern seabord ng Visayas at Mindanao.
Inaasahang tatama sa kalupaan ng Southern Isabela – Northern Aurora ang bagyong Rosita mamayang alas-5 o alas-7 ng umaga.
Posbile namang lumabas ng Philippine Area of Responsibility (PAR) ang bagyo sa Miyerkules ng gabi.