Sinabi ni Sen. Cynthia Villar na kung gugustuhin ay kaya pang ihabol ng Malacanang bago matapos ang taon ang pagsasabatas sa P2,000 across-the-board pension increase para sa mga retiradong kasapi ng Social Security System (SSS).
Ayon kay Villar na siyang chairman ng Senate Committee on Government Corporations and Public Enterprises na may panahon pa ang Malacanang para kausapin ang kanilang mga kaalyadong mambabatas na madaliin ang panukala.
Magugunitang nakalusot na sa second reading sa Senado ang panukalang dagdag na pension para sa mga SSS retirees pero bigla itong nawala sa radar ng Malacanang dahil sa budget deliverations.
Kung sakaling maipapasa ang panukala, sinabi ni Villar na isa ito sa pinaka-magandang pamasko na maibibigay ng pamahalaan sa 1.9 milyong mga pensioners ng SSS.
Umaasa naman ang mambabatas na hindi na uupuan ng kanyang mga kapwa mambabatas ang panukala lalo’t papalapit na rin ang panahon ang eleksyon.