Apela ng Malacanang sa swine owners: huwag ituloy ang pork holiday

piggery
Inquirer file photo

Handa ang Malacanang na makipag-usap sa mga swine owners para hindi na ituloy ng mga ito ang balak nilang pork holiday ngayong panahon ng kapaskuhan.

Sinabi ni Presidential deputy spokesperson Abigail Valte na nakahanda ang pamahalaan na makinig sa mga hinaing ng mga nasa likod ng industriya ng pag-aalaga ng baboy at iba pang poultry products.

Binanggit din ng opisyal na nagsimula na ring mag-higpit ang Bureau of Customs sa mga poultry products na ipinapasok sa bansa base na rin sa direktiba ni Pangulong Noynoy Aquino.

Nauna dito ay nagbanta ang Swine Development Council na maglulunsad sila ng pork holiday dahil hanggang ngayon ay nagpapatuloy pa rin ang talamak na smuggling ng baboy sa bansa.

Sinabi rin ng naturang grupo na sangkot sa smuggling ang ilang tiwaling tauhan ng Department of Agriculture.

Bukod sa baboy, sangkatutak din daw na mga manok galing sa China ang iligal na nakapapasok sa bansa dahil sa kapabayaan ng pamahalaan.

Read more...