Naglatag na ang Philippine Statistics Authority ng implementing rules and regulations para sa Philippine Identification System o National ID System.
Sa pulong balitaan sa Malacañang, sinabi ni PSA Admninistrator Liza Grace Bersales na inaasahang makapagsisimula na rin ang proseso ng implementasyon ng proof of concept bago matapos ang taong kasalukuyan.
Ayon kay Bersales, unang puntirya ng National ID System ang isang milyong benepisyaryo ng Conditional Cash Transfer Program.
Sa Setyembre ng susunod na taon target ng kanilang hanay na ipatupad ang full scale registration at validation sa mga mabibigyan ng National ID.
Ayon kay Bersales, sa taong 2019, inaasahang papalo na sa anim na milyong Filipino ang mabibigyan ng National ID, samantalang 25 milyon sa taong 2022 at ang full implementation nito ay target na maipatupad sa 2023.
Paglilinaw naman ni Bersales hindi saklaw ng National ID System ang pasaporte, driver’s license at iba pang kahalintulad na identification cadrs tulad ng PRC ID.