Eroplano nag-crash ilang minuto matapos umalis sa Indonesia

Bumagsak ang eroplano ng Lion Air ilang minuto matapos itong mag-take off sa Jakarta, Indonesia.

Umalis ang Lion Air flight JT 610 sa Jakarta alas 6:13 ng umaga at makalipas ang labingtatlong minuto ay nawalan na ng contact dito.

Ayon sa National Disaster Mitigation Agency ng Indonesia, agad nagsagawa ng search and rescue operation para mahanap ang eroplano.

Sa karagatan umano bumagsak ang eroplano.

Ayon sa datos na nakuha ng mga otoridad, may lulalng 188 na katao ang nasabing eroplano.

 

Read more...