Lalaking nasa drugs watchlist patay sa buy-bust sa Laguna

Police banner

Patay ang isang drug suspect makaraang manlaban sa mga pulis sa ikinasang buy-bust operation sa Biñan City, Lunes ng umaga.

Ang suspek na kinilalang si Bryan Alegre ay nasa watchlist ng mga otoridad at target ng operasyon na ikinasa alas 4:40 ng madaling araw sa Barangay Canlalay.

Isang pulis ang nagpanggap na buyer at nang magkabentahan na ay natunugan ng suspek na pulis pala ang kaniyang katransaksyon kaya nagpaputok ito ng baril.

Doon na nauwi sa engkwentro ang operasyon na ikinasawi ng suspek.

Nakuha mula sa kaniya ang isang 9MM pistol.

Read more...