Nationwide martial law ipatutupad ni Pangulong Duterte sa Enero ayon kay Joma Sison

Ibinabala ni CPP founding chair Jose Maria Sison na magdedeklara ng nationwide martial law si Pangulong Rodrigo Duterte sa Enero.

Ayon kay Sison, ito ay para masiguro ng pangulo ang panalo ng kaniyang mga kaalyado sa 2019 midterm elections.

Sa kaniyang pahayag na na naka-post sa kaniyang Facebook, sa Enero idedeklara ang nationwide martial law para makontrol umano ng administrasyon ang resulta ng halalan.

Ani Sison, nangangamba si Duterte na matalo sa eleksyon ang mga kaalyado niya sa Senado at Kamara at ayaw nitong mamayani ang opisyon sa dalawang kapulungan.

Dagdag pa ni Sison, ang umano ay ouster plot ang idadahilan ng pamahalaan sa pagdedeklara ng martial law sa buong bansa.

Read more...